Friday, January 27, 2006
Breaking news:JOSE RIZAL, IBINASURA: MANNY PACQUIAO, PAMBANSANG BAYANI NA.Naisipan ng kongreso na wala nang silbi si Jose Rizal bilang isang pambansang bayani, sapagkat siya ang ilang beses nang nabalitang bading, kaya malaki ang posibilidad na mahina siyang sumuntok. Kaya naman binasura na nila ito, at ang bagong pambansang bayani na ng Pilipinas ngayon ay si Manny Pacquiao. Mas pinili nila si Manny dahil siya ay kasalukuyang buhay pa at nakikita pa ng mga Pilipino. At dahil malakas siya sumuntok. Hinihiling ng kongreso na itapon na ng mga Pilipino ang mga poster kung saan nakasaad na pambansang bayani si Jose Rizal, at bumili ng mga bagong poster na ikakalat na simula bukas sa mga National Bookstore sa buong kapuluan. Asahan rin na mukha na ni Manny Pacquiao ang makikita niyo sa mga bagong ilalabas na piso simula bukas din.
* syempre ginawa ko lang yan.. feeling ko kasi pwede nang tumakbong presidente si manny. wala laaaaaaaaaaang. violent reaction? mag tag ka. hahaha. no offense rizal. joke lang mga sinabi ko.c= *
im bleeding; but at least im alive (: