Monday, September 04, 2006
this morning, i went to LTO Las PiƱas to get my non-professional drivers license.
tae, ang galing ng sistema nila, sobrang galing gusto ko na maging masochista. nasa gate ka palang ng LTO, marami na agad na taong gustong 'tumulong' ang sasalubong sayo.
tao: bosing bosing lisensya ba? non pro non pro? renewal?
ako: hindi eh.
tao: ano yun bosing? sabhn mo lang bosing, tulungan ka namin!
ako: ...
wow! helpful filipinos. sa loob, tinanong na ng mom dun ko dun sa lalaking nakasuot ng LTO t-shirt kung ano ba ung 'pinakamabilis' na paraan. magaling kasi si ermats sa mga ganitong bagay, ang dahilan niya eh mas mabilis daw kasi. eh gusto ko narin magkalicense at ayoko masyado matagal sa pagkuha nito. aun, binigay kami nung mama sa fixer. wowoowowow. sa tingin palang eh mukhang matagal na talaga siya sa 'business'. mukhang alam na niya lahat ng pasikot sikot. dahil di ko alam ang pangalan niya, tawagin nalang natin siyang kendra. tuwing naririnig ko kasi ang fixer eh kendra agad ang pangalan na pumapasok sa isip ko. unang ginawa namin eh nagpunta sa drug testing center. masyado daw mahaba ang pila dun sa drug test center dun sa LTO compound, so pinalabas nia ako dahil daw dun walang pila.
kendra: pumunta ka sa labas, doon sa may canteen, umuna ka na, susundan kita dun
ako: sige ho
edi nagpunta nako dun. nakakatakot ung pakiramdam. pakiramdam ko illegal ung gagawin ko, hahaha! kinakabahan ako baka mamaya biglang lumabas si mike enriquez o kaya si tulfo, tas hulihin ako. buti naman walang lumabas na ganun. ung drug test ewan ko kung inexamine ba tlga nila ung binigay ko na wee-wee, heh heh. ung medical exam bingay ko lang ung bayad ko tas ayun binigyan na agad ako ng results! WOW! 'fit to drive' na agad ako! ang galing. wala nang test test shit. to hell with em. hahahahahhaha. >:) dumating din si kendra dun, binigyan nia ko ng instructions.
medical examiner: 50 pesos lang
ako: bigay 50 pesos
medical examiner: *sulat sulat* eto oh, ok na
ako: un na un? healthy nako?
medical examiner: uu..
kendra: eto, sulatan mo to ha, tas dalhin mo ulit sa LTO compound pagkatapos mo dito. itago mo sa likod mo ung papel para di ka tanungin ng guard
ako: huh? sige ho
creepy. pagbalik ko pinapila na ko sa ibat ibang linya. p'ng ina nila sira ung computer, stuck up tuloy kaming lahat dun! mga 11am na siguro naayos ung computer nila. buwisiiiiit. fast forward. nung oras na pra mag written exam, bingyan nanaman ako ng instructions.
kendra: mageexam ka lang para sa formality, okay? 10 tanung lang sagutan mo, tas umalis ka na. naintindhan mo? 10 tanong lang, tas ok na un, sila na bahala dun.
ako: ok!
edi un, nagpunta nako sa 2nd floor to take my exam. eh naka slippers lang ako. eh bawal pala un. humiram pako ng shoes kay kendra! :-& tsssssss. tas nung ineexplain nung babae kng papaano sasagutan, amp sinasagutan na niya ung answer sheet koooo! thats not nice. :c aun, as told, 10 questions lang ang sinagutan ko. 3 questions lang kasi ung 7 sinagutan na nung babaeng un. kaso nung binalik ko na ayaw tangapin. 31-40 din daw. edi sige. eto ung malupit dun, ung exam room, may mga picture ng sagot sa pader. anak ng, pano pa babagsak dun eh ung sasagutan mo nasa walls lang ung sagot?! lupeeeeeeeeeeeeeeeeeet. T_T tapos tapos na! woooooo. magintay nalang daw ako ng license. un ung pinakamalalang part ng pagkuha ko. soooooooooooobrang p^$@*^ anak ng @$&$ $#$% grabe *#$(@%# son of a &$#*$# INITTTTTTTT!! $^$@# %(*@&#@#% $^# yan talaga. gusto ko na maging terorista kanina dahil sa sobrang init. pagkalipas ng 6 hours, nagkalicense din ako sa wakas. weeeeeeeeeeeeeeeee. thanks to the really $#@$ great filipinos of our #^&@# country.
im bleeding; but at least im alive (: